Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa 'kinTila mayro'ng pahiwatig, ako'y nananabik'Di naman napilitan, kusa na lang naramdamanAng 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan
Ibon sa paligid, umaawit-awitNatutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangiNapapangiti mo ang aking puso
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin koMukhang mapapaamin mo, amin mo, ohGiliw, nagpapahiwatig na sa 'yoAng damdamin kong napagtanto na gusto kita
Hindi ko alam kung saan ko sisimulanBinibigyang-kulay ang larawan na para bangIkaw ang nag-iisang bituin, nagsisilbing buwan na kapiling moSa likod ng mga ulap, ang "tayo" lamang ang tanging magaganap
Ibon sa paligid, umaawit-awitNatutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangiNapapangiti mo ang aking puso
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin koMukhang mapapaamin mo, amin moGiliw, nagpapahiwatig na sa 'yoAng damdamin kong napagtanto na gusto kita
Gusto kita, gusto kitaGusto kita, gusto kitaAno'ng salamangkang mayro'n ka? (Gusto kita, gusto kita)Binabalot ka ng mahika (gusto kita, gusto kita)Ano'ng salamangkang mayro'n ka? (Gusto kita, gusto kita)Ako'y nabihag mo na
Ako na nga'y nabihag mo naNang 'di naman talaga sinasadya'Pagkat itinakda yata tayo para sa isa't isaGiliw, nagpapahiwatig na sa 'yoAng da-da-da-damdamin koDa-da-ra-da, da-damdamin ko
Giliw, giliwGiliw, napagtanto na gusto kita